|
Post by Ed Comia on Nov 6, 2008 23:18:45 GMT 8
my dear fellow officers. napapansin ko masyadong mababa o maliit ang tricycle na bumibyahe sa eastwood as in sobrang maliit ang karamihan.
ang kagaya kong medyo malaki at di na rin gaanong maliit ang tiyan ang hirap sumakay. 'di naman ako laging sakay ng bulok na kotse ko 'di ba?
at di rin lahat ng tao naman sa eastwood ay nakasasakyan. kaya bugbog ang ulo kapag dumaan sa humps.
sa observation ko, wala sa standard ang size ng mga tricycle sa eastwood at palagay ko rin meron yang standard dapat sinusunod di lang ako sure kung ano.
sino kaya ang pwede nating lapitan sa toda o sa munisipyo na mismo para maisaayos ito.
try niyo lang sumakay sa tricycle para maramdaman natin lahat ang nararamdaman ng mga palaging naka-tricycle.
sabi nga "PREVENTION IS BETTER THAN CURE"
sana maayos natin ito.
SALAMAT PO.
|
|
|
Post by Preslabez on Nov 10, 2008 23:22:22 GMT 8
oo nga baka malaki ka lang.... hehehe, well meron nga din ako na nonotice na japorms na trike, eto ung mga lowered,... im sure ang transport group ng munisipyo ang dapat mag regulate neto,... dapat meron standard size ang mga trike bago bigyan ng prangkisa.... na experience ko na sumakay dun sa lowered, nauntog nga din ako , kaasar nga eh, anyway....idisscuss naten sa mga toda as soon as nakapagset na tayo ng meeting with them,
|
|
|
Post by Ed Comia on Nov 20, 2008 23:55:09 GMT 8
salamat ka pres
|
|