MAGANDANG ARAW PO LAHAT.
Kumusta na nga ba ang ating eastwood federation?
Parang kailan lang ang saya at ang sigla natin sa mga pag-uusap para himayin at buuin ang ating samahan.
ano na nga ba ang estado ng federation? ano ba ang ating gagawin at kailangang gawin?
sa inyong hindi pa makapagsalita, ako na ang mangunguna. saan kaya tayo patungo?
ang acerhomes ay handa na RAW para sa turnover daw nila. katunayan may mga dokumento na RAW silang nakahanda para sa turnover.(kahapon lang ang conversation ko sa kanila)
pero, tayo ba ay handa na. sabi sa akin ng nakausap ko hinihintay daw nila ang by laws ng federation.
tama ba na kailangan nating gumawa ng sarili nating by laws. paano at kailan kaya kasi ang lahat ng ating mga ginawa ay subject to change pa. tama ba?
sana ma-address natin ang iba pang mga bagay patungkol dito.
MARAMING SALAMAT MULI MGA KASAMA.
Magandang araw din sayo chairman ed....
Una gusto ko po alamin sa iyo na kung seryoso po ba kayo sa mga katanungan ninyo dito sapagkat mejo malalim po ang mga katagang nabangit sa inyong ipinaskel. heheh
para sa iyong kalinawan, mabuti naman ang ating Eastwood Federation at ito ay patuloy na binibigyan pansin ng mga Presidente ng bawat phases na siya ring mga executive officers ng federation na nakapaloob sa Eastwood Greenview Subdivision, Katunayan nga nito ay ang patuloy na pag uusap at pag oorganisa ng meeting, at nakadalawang pagtitipon na ang mga bawat Presidente o ang executive officers ng federation nitong nakaraang buwan ng enero
Taong Kasalukuyan.,
ang una ay noong ika 18 at ika 25 ng enero ang pangalawa. sa unang pag uusap ,..tinatalakay po dito ang ilang mga bagay katulad ng mga sumusunod.
1. Pinag usapan ng mga Presidente na ang Fed ay mada-dagdagan
ng kasapi sa pamamagitan ng kakatapos lang na eleksyon ng
phase3A at phase5E....
2. Pinag uusapan din na ang Fed ay magpapalaro ng basketball
sa mga kategoyang ...Mosquito 8-12 yrs old, Juniors 15-20yrs old,
Seniors 21-39yrs old, Super Senior 40 yrs old above,.. pati
angpalarong basketball ng mga bakla ay tinalakay din.
3. Ipapakiusap naten sa developer na kailangan ayusen at
imentina ang lahat ng phases basketball court.
4. basketball team quota , requirements, at pang premyo
5. Volleyball - Men and Women
5. Motorcade, Parade Posting ng streamer at registration
6. Magkakaron din tayo ng Ms. Eastwood 2009
at sa Pangalawang pag uusap ulit ng mga presidente...
1. Gagawan ng resolusyon ang Mga pangkalahatang problema ng
bawat Phases.
a. Curfew Houirs
b. Drinking in Public
c. Maingay na sasakyan o Motorsiklo
d. Walang damit pang itaas
e. No ID-No Entry para sa mga construction personels
f. Homeowners ID
g. Car Sticker
2. Correction sa Baranggay Address ng Lahat ng Nakatira sa
buong Eastwood Greenview Subdivision.
3. Pag hiling sa acerhomes na ang pangunaheng Entrada ng
Eastwood ay Makagyan ng Eastwood Sign na mula noon
hangang sa kasalukuyan ay wala, nagiging pinakalandmak
ng ating mga bisita ay ang luvers market.
4. Paghiling sa acerhomes na ang kanilang linguhang pagtatayo
ng tent ay sa may bandang bermuda grass o damuhan ilagay
ng sa gayon ay nde sagabal sa trapiko...
5. Pinag usapan din ang turn Over, at may mga ginagawang
hakbang ang mga pangunaheng Opisyales ng Federation.
Chairman Ed... sa darating na linggo, february 8, magkakaron ulit ng meeting ang mga Presidente at Chairman, 4pm ang takdang oras sa clubhouse, sana masahan kita na ikaw ay makadadalo...
Salamat din Kasama....